Start a conversation

Ano ang Digipay App Menu?

Ang DIGIPAY App ay mayroong tinatawag na HAMBURGER Menu. Ito ay matatagpuan sa kaliwang bahagi ng screen, sa tabi ng DIGIPAY logo. Dito nakikita ang mga tools na maaaring magamit sa pag-monitor ng mga transaksyon, pagbago ng password at PIN, mga karaniwang tanong ng mga users, at pag-contact sa mga taong maaarig makasagot sa mga katanungan kaugnay ng DIGIPAY. Ang mga sumusunod ay ang mga nakapaloob sa Menu na ito at kung ano ang kanilang gamit:


  • STORE - Ito ang nagpapakita ng lahat ng mga serbisyo na maaaring ialok sa customers.
  • SALES DATA - Dito makikita, mamomonitor at maaaring balikan ang lahat ng naging transaksyon. Dito rin maaaring balikan ang mga transaksyon na nais makuha ang resibo.
  • WHAT’S NEW? - Dito makikita kung mayroong bagong updated feature ang app na mas nagpapadali sa paggamit nito.
  • SETTINGS - Kung nais mapalitan ang Password at ang PIN ay puntahan lamang ang Setting. Dito rin makikita ang background ng kompanya at ng DIGIPAY.
  • CHAT SUPPORT  - Dito maaaring magchat sa ‘support team’ ng DIGIPAY kung mayroong mga gustong malaman, gustong linawin at iba pang katanungan kaugnay ng DIGIPAY.
  • DIGIPAY FAQ’S  - Dito maaaring tingnan ang ilan sa mga katanungang kadalasang naitatanong ng mga users sa paggamit ng DIGIPAY.
  • (for Merchant) BRANCHES - Kung isa kang Super Agent ay dito mo maaaring mamonitor ang lahat ng transaksyon ng iyong Sub Agents at Agents.
  • LOGOUT  - Ito ang kailangang pindutin sa tuwing tapos na ang lahat ng transaksyon sa araw-araw upang mas maging protektado ang inyong account.
Choose files or drag and drop files
Was this article helpful?
Yes
No
  1. Digipay

  2. Posted
  3. Updated

Comments